top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 kubrador ng bookies, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 1, 2021



CAPIZ--Dalawang kubrador ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpapataya ng ng STL (small-town lottery)-bookies kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Panitan.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Daniel Venancio, 51-anyos at Noel Daliva, 57-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga operatiba na nagpapataya ng naturang illegal gambling sina Venancio at Daliva kaya agad dinakip ang dalawang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga mga gambling paraphernalia at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa dalawang kubrador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page