2 Komunistang NPA, patay sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | September 29, 2023
MASBATE -- Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Nainday, Placer sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga miyembro ng NPA na gumagala sa naturang barangay.
Dahil dito, agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan, pero bigla silang pinagbabaril ng mga komunista kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok at napatay ang dalawang NPA.
Nang makita ng ibang rebelde na napatay ang dalawa nilang kasamahang NPA ay mabilis silang tumakas at sa ngayon ay tinutugis pa sila ng tropa ng pamahalaan.



Comments