2 komunista, sumurender

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 4, 2021
SULTAN KUDARAT—Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Kalawag II, Isulan.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang sumukong NPA para sa kanilang seguridad.
Nabatid na isinuko rin ng dalawang Komunista ang mga dala nilang baril at bala sa 7th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang sumuko sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.



Comments