Search
  • BULGAR

2 kelot, tinodas ng 3 kaalitan

@Balitang Probinsiya | December 28, 2020



ZAMBOANGA DEL SUR—Dalawang lalaki ang namatay nang barilin at pagtatagain ng tatlo nilang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Kapamanok, San Pablo.


Nakilala ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala at taga sa katawan na sina Felix Mancao at Arbek Sagario, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, naglalakad sina Mancao at Sagario nang biglang sumulpot ang mga suspek na sina Julieto Alquiza, Daniel Yares at Ronniebert Yares, pawang residente rin sa naturang lugar.


Matapos tiyaking patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para maaresto ang mga suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.