top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 kelot, tinepok ng lolo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 28, 2023



ILOILO -- Dalawang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng isang 63-anyos na lolo kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Lambunao sa lalawigang ito.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Joven Bisete, 41, at Ramil Opriane, 51, at ang suspek ay si Gil Casiple, pawang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, habang nakikipag-inuman si Casiple sa kanyang kaibigan sa isang tindahan ay dumating ang dalawang biktima at kinumpronta ang suspek.


Dahil dito, agad naglabas ng baril si Casiple at pinagbabaril ang dalawang biktima hanggang mamamatay.


Nadakip agad ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page