2 kelot, timbog sa shabu
@Balitang Probinsiya | July 9, 2023
ILOILO -- Dalawang lalaki ang nakumpiskahan ng shabu kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Infante, Molo District Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Al Joseph Carton, 28 at Lester Penafiel, 24, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo sina Carton at Penafiel nang mapadaan sa police checkpoint, at nang kapkapan ay nakumpiskahan sila ng mga awtoridad ng isang pakete ng shabu.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments