Search
  • BULGAR

2 kelot, timbog sa mga pekeng dokumento

@Balitang Probinsiya | November 01, 2020



Baguio city—Dalawang lalaki na nag-iingat ng mga pekeng travel documents ang inaresto ng pulisya sa checkpoint sa national highway.

Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang dalawang suspek na kapwa residente ng Mabalacat City, Pampanga.

Ayon sa ulat, pinara ng mga pulis ang dalawang suspek na nakasakay sa kotse at hinanapan ng travel documents para makapasok sa lungsod, pero nagduda ang mga awtoridad sa mga papeles na ipinakita ng dalawang lalakii.

Nang beripikahin ng pulisya sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga ang mga dokumento ay sinabi ng management ng ospital na wala sa kanilang talaan ang pangalan ng mga suspek na binibigyan nila ng travel documents.

Dahil dito, agad inaresto ang dalawang suspek at sinampahan ng kasong falsification of public documents.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.