top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 kelot tepok sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 31, 2023



ILOILO—Dalawang binata ang namatay at isa pa ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng mabangga ng isang trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bacuranan, Passi City sa lalawigang ito.


Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jay-R Sencil at Zaldy Palomar, kapwa 23-anyos, samantalang ang kasamahan nilang sugatan ay si Sherwin Bontog, nasa hustong gulang, at pawang residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Alvin Dizon kaya aksidente nitong nabangga ang motorsiklong kinalulunanan ng tatlong biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival sina Sencil at Palomar.


Nahaharap ngayon si Dizon sa kasong reckless imprudence resutling to double homicide, physical injury at damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page