Search
  • BULGAR

2 kelot, tepok sa nakaparadang trak

@Balitang Probinsiya | November 25, 2020



NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang ang namatay nang aksidenteng bumangga sa nakaparadang trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Gargato, Hinigaran.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Jano Yunsal at Chrismichu David, kapwa residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong kinalululanan nina Yunsal at David kaya bumangga sila sa nakaparadang trak sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.


Sa lakas ng pagkakabangga ang nagtamo ng malaking sugat sa ulo at nagkaroon ng pinsala sa katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara silang dead-on-arrival.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.