2 kelot, sugatan sa trak
@Balitang Probinsiya | November 18, 2021
AKLAN—Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang sugatan nang aksidente silang mabangga ng trak kamakalawa sa Bgy. Libas, Banga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Dexter Camarao, 28-anyos at Rommel Belloca, 25-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Jonel Patricio, kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na silang ginagamot.
Nahaharap si Patricio sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.



Comments