Search
  • BULGAR

2 kelot, sugatan sa motorsiklo

@Balitang Probinsiya | December 3, 2020



AKLAN—Dalawang lalaki ang sugatan sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Linabuan Norte, Kalibo.


Ang mga sugatan sa aksidente ay nakilalang sina Edwin Francisco at Marlon Abarecio, kapwa residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, minamaneho ni Aberecio ang kanyang motorsiklo nang biglang tumawid sa kalsada si Francisco dahilan upang mabangga niya ito.


Sa lakas ng pagkakabangga ay kapwa tumilapon sina Aberecio at Francisco na kapwa nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.


Bagama’t sugatan din sa aksidente si Aberecio ay sasampahan pa rin ito ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury dahil sa pagkakabangga ng motorsiklo nito kay Francisco.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.