• BULGAR

2 kelot, sugatan sa hit-and-run

@Balitang Probinsiya | December 5, 2020



AKLAN—Dalawang lalaki ang sugatan nang ma-hit-and-run ng tricycle kamakalawa sa Bgy. Estancia, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jevie Sapico at Jeremy Carlos, kapwa residente ng Bgy. Pook sa nabanggit na bayan.


Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng tricycle na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya nabangga nito ang kinalululanang motorsiklo ng dalawang biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at kasalukuyan na silang ginagamot sa ospital.


Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng tricycle upang dakpin at sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury at damage to property.

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.