2 kelot, patay sa pamamaril
@Balitang Probinsiya | November 12, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang lalaki ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. 15, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang mga nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Nobert Aguda at Kenneth Espanola, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglalakad sina Aguda at Espanola ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa dalawang biktima.



Comments