top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 kelot, nalunod sa dagat

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 23, 2021


CAPIZ—Patay ang dalawang lalaki nang malunod habang naliligo kamakalawa sa dagat na sakop ng Bgy. San Ramon, Pilar.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jay Tumlos at alyas Koykoy, kapwa nakatira sa bayan ng Pontevedra sa lalawigang ito.


Ayon sa ulat, naliligo umano sa dagat ang dalawang biktima nang tangayin ng malaking alon kaya nalunod ang dalawang lalaki.


Nabatid na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan sa dagat ang mga biktima.


Napag-alamang makalipas ang ilang oras ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng mga biktima na nakalutang sa naturang dagat.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page