top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

2 kelot nadale sa rambol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2023


ILOILO -- Dalawang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na rambol ng mag-ama at magkaibigan kamakalawa sa Bgy. Agdahon, Passi City sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng saksak sa katawan na sina Jimmy Pineda at Gabriel Barrera, kapwa 35-anyos at parehong nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Pineda at ang nagtitinda ng barbecue na si Jayson Muyco, 22, hanggang magsuntukan ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima na tinamaan sa katawan.


Nabatid na tinangka pa ni Barrera na tulungan ang kaibigan na si Muyco, kahit may tama na ng saksak si Pineda kaya ang ginawa ng ama ng biktima na si Roberto Pineda, 64, ay sinaksak si Barrera sa katawan.


Dinala ng mga saksi sina Pineda at Barrera sa ospital, samantalang agad naaresto ng pulisya si Muyco habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tumakas na si Roberto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page