top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 kelot na pumatay sa bading, kilala na

BULGAR
Dec 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2022


AKLAN—Nakilala na ng pulisya kamakalawa ang dalawang lalaking pumatay sa bading sa loob ng kubo sa Bgy. Pook, Kalibo.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang dalawang suspek, na ang isa ay 21-anyos at ang isa ay 17-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Nauna rito, natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktimang bading na may malalaking sugat sa ulo noong Disyembre 10, 2022 sa loob ng kubo sa nasabing lugar.


Nabatid na sa masusing imbestigasyon ay nakilala na ng mga awtoridad ang ang dalawang suspek na pumalo ng kahoy sa ulo ng biktima na agad nitong ikinamatay.


Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong murder, robbery at carnapping dahil matapos patayin ay ninakaw at tinangay din ng mga salarin ang cellphone at motorsiklo ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page