2 kelot, kritikal sa semplang
@Balitang Probinsiya | December 05, 2021
AKLAN--Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang kapwa nasa kritikal na kondisyon nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ruben Alegria at Regie Lanosa, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Alegria sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Lanosa kaya sumemplang sila sa sementadong kalsasa sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.



Comments