2 kelot kritikal sa pamamaril
@Balitang Probinsiya | Pebrero 18, 2023
NORTH COTABATO — Dalawang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa bayan ng Pikit sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na sina Justine Ababon at isang alyas Jammer, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nakatayo sa naturang lugar ang dalawang biktima ay sumulpot ang suspek at agad silang pinagbabaril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang mga biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.



Comments