2 kelot, huli sa P2.4-M marijuana

@Balitang Probinsiya | February 5, 2021
PAMPANGA—Dalawang binata ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng mga marijuana na nagkakahalaga ng P2.4 milyon kamakalawa sa Bgy. Balibago, Angeles City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marion Raymundo at Benhur Buenaventura, kapwa 19-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 21 pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Raymundo at Buenaventura na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments