2 kelot, dedo sa pamamaril ng ex-cop
@Balitang Probinsiya | November 25, 2023
ILOCOS SUR -- Dalawang lalaki ang namatay sa isinagawang pamamaril ng isang dating pulis kamakalawa sa Brgy. Concepcion, Cervantes sa lalawigang ito.
Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Luthgard Lacaden at George Guerzon, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Lacaden, kasama si Guerzon ay biglang sumulpot ang suspek na si ex-policeman Roberto Urbano, nasa hustong gulang at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Matapos ang pamamaril ay nagtangkang tumakas si Urbano, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ni Urbano sa pagpatay sa dalawang biktima at sa ngayon ay sinampahan na siya ng kasong double murder.



Comments