Search
  • BULGAR

2 kelot, dedbol sa sagasa ng trak

@Balitang Probinsiya | October 20, 2020



CAPIZ—Dalawang lalaki ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Atiplo, Mambusao.


Nakilala ang mga biktima na sina Vicente Caporal at Aldrin Delmindo, kapwa nakatira sa Bgy. Parian, Sigma sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Caporal ang kanyang motorsiklo at angkas si Delmindo ay sumemplang sila sa kalsada dahilan ito upang aksidente silang masagasaan ng trak na mimamaneho ni Revel Roa, residente ng Maasin City.


Napag-alamang kapwa namatay sa pinangyarihan ng aksidente ang dalawang biktima.


Nakapiit na si Roa na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.