top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 kelot, dedbol sa pamamaril

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 8, 2023


NORTH COTABATO -- Dalawang lalaki ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Nunguan, Pikit sa lalawigang ito.


Ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Montaser Talib at Eliah Pandapatan, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang patungo sina Talib at Pandapatan sa isang lugar sa nasabing barangay nang bigla silang pagbabarilin ng mga salarin.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page