Search
  • BULGAR

2 kelot, dedbol sa ambush

@Balitang Probinsiya | February 23, 2021



MAGUINDANAO—Dalawang lalaki ang namatay sa isinagawang pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa national highway ng bayan ng Sultan Kudarat.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Ronel Saco, 21-anyos at Fheje Jumalon, 26-anyos, kapwa residente ng Bgy. Sarmiento, Parang sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minanameho ni Saco ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Jumalon ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.