2 kelot, dedbol sa ambush

@Balitang Probinsiya | December 30, 2020
MAGUINDANAO—Dalawang lalaki ang namatay sa isinagawang pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Simuay Seashore, Sultan Mastura.
Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Abubakar Mohammad at Alkaher Puldan, kapwa residente sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng motorsiklo sina Mohammabd at Puldan ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.



Comments