Search
  • BULGAR

2 kelot, dedbol sa ambush

@Balitang Probinsiya | October 30, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang lalaki ang namatay nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Batulawan, Pikit.


Nakilala ang mga biktima na sina Jomar Mustapha at Ali Wahab, kapwa nakatira sa Bgy. Macabual sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanilang motorsiklo ang dalawang biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril.


Nabatid na dahil sa dami ng mga tama ng bala na tumama sa dalawang biktima ay agad silang namatay sa pinangyarihan ng krimen.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.