Search
  • BULGAR

2 kelot, arestado sa 'hot logs'

@Balitang Probinsiya | November 19, 2020



ISABELA—Dalawang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga kahoy na illegal na pinutol sa Bgy. Patul, Santiago City.


Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Saavedra, driver ng trak at Marvin Evangelista, kapwa nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may kargang mga pinutol na punong-kahoy ang trak na kinalululanan nina Saavedra at Evangelista kaya hinarang ito ng mga awtoridad at inaresto ang dalawang suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 912 board feet ng mga putol na na punong kahoy sa trak na kinalululanan nina Saavedra at Evangelista.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.