2 kawatan ng kalabaw nasakote

@Balitang Probinsiya | March 3, 2023
SORSOGON — Dalawang magnanakaw ng kalabaw ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Brgy. San Vicente, Castilla sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Isagani Bien at Dominador Camacho, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, isang residente ang nag-report sa pulisya na ninakaw ng mga suspek ang alaga niyang kalabaw.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad na naging dahilan kaya nadakip ang dalawang suspek.
Nakapiit na ngayon ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na sila ng kasong qualified theft.



Comments