Search
  • BULGAR

2 katao, sugatan sa bangga ng trak

@Balitang Probinsiya | December 23, 2020



AKLAN—Dalawang katao ang sugatan nang mabangga ng trak ang sinasakyan nilang kotse kamakalawa sa Bgy. Feliciano, Balete.


Kinilala ang mga biktima na sina Roderick Doroteo at Sharon Odoms, kapwa residente ng bayan ng Altavas sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang bags sa minamaneho ni Doroteo ang kotse at lulan din si Odoms nang iwasan nila ang mga nahulog na cement trak kaya aksidenteng silang nabangga ng isa pang trak.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng trak na si June Viches na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.