top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 karnaper arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2023


AKLAN – Dalawang notoryus na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Christian Jagurin, 20, at isang alyas "Totoy", 17, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Nag-report sa pulisya ang biktimang si Nelson Laurente na kinarnap ng mga suspek ang motorsiklo niyang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Bgy. Bulwang, Numancia sa naturang lalawigan.


Agad nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya kaya nadakip ang dalawang karnaper.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya na kapwa nahaharap ngayon sa kasong carnapping.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page