top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 illegal loggers, arestado sa 'hot logs'

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 25, 2021


CAGAYAN--Dalawang illegal loggers ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga kahoy na illegal na pinutol sa bulubunduking lugar ng bayan ng Sta. Ana.


Nakilala ang mga suspek na sina Johnlock Gerardo, 25-anyos at Joel Valentino, 36-anyos, kapwa nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad ang dalawang suspek na namumutol ng punong-kahoy at nang hanapan ng mga dokumento ay walang maipakita.


Dahil dito, agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang sispek.


Nakapiit na ngayon ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page