Search
  • BULGAR

2 HVT, timbog sa shabu at boga

@Balitang Probinsiya | January 13, 2021



QUEZON—Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril kamakalawa sa Bgy. 9, Lucena City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Armando Table, 45-anyos at Jofren de Rosas, 38-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Ibabang-Iyam sa nasabing lungsod.


Nabatid na na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay at nang pagbentahan sila ng shabu nina Table at De Rosas ay agad dinakip ang dalawang suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 na gramo ng shabu, shotgun at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban at kusa namang sumama sa mga awtoridad ang mga suspek nang dakpin sila sa nasabing barangay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.