2 HVT sa droga tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | October 30, 2022
BULACAN—Dalawang High Value-Target sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bangan Sur, Marilao.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Pethuel Agapito at Danica Soliveros, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana sina Agapito at Soliveros, kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing barangay ay dito nadakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 malalaking pakete ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments