top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 HVT sa droga, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 6, 2023


LAGUNA—Dalawang HVT (High Value Target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Halang, Calamba City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na ‘Bok’ at ‘Omelya,’ kapwa nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa sila ng mga operatiba.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 111 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kusang sumama sa pulisya at hindi nanlaban ang mga suspek ng dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page