top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 HVT sa droga, natiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 18, 2023


ILOILO—Dalawang HVT (High-Value Target) sa droga ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Kasing-Kasing, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Abraham Enriquez at Elezarre Gonzales, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kusang sumama naman sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page