2 HVT sa droga, nasakote sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 29, 2023
ILOILO -- Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cato-ogan, Pototan sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Kenneth Demantante at Bryden Begota, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay matapos na pagbentahan ng umano’y shabu ang mga awtoridad na nagpanggap na buyer ng droga.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 18 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya at hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.



Comments