top of page
Gary V. - IG.jpg

2 HVT sa droga, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 18, 2023

BACOLOD CITY -- Dalawang High-Value Target (HVT) sa droga ang inaresto sa operasyon ng mga otoridad kamakalawa sa Purok Sigay, Brgy. 2 sa lungsod na ito.

 

Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Michael Tabara, 39 at estudyanteng itinago sa alyas na “Roman”, 18, kapwa nakatira sa naturang lungsod.

 

Nabatid na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lungsod.

 

Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 232 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek. 

 

Kusang sumama naman at hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page