2 HVT sa droga, huli sa drug-bust
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 18, 2023
QUEZON -- Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Angelo Tongo at Judel Gutlay, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.



Comments