2 HVT sa droga, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | October 08, 2023
QUEZON -- Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Diego Lagono at Maricel Bulfa, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya at hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba.



Comments