2 HVT sa droga arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | March 4, 2023
LEYTE—Dalawang HVT (high-value target) sa droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Hiluctogan, Kananga sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Voltaire Recta, 38, at Ruel Brase, 42, kapwa nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 300 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments