@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2024
ZAMBOANGA CITY -- Dalawang high-value target (HVT) sa droga ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Calarian sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jennyvee Sahibuddin at Al Shariff Abdul-Lajid, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 300 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila sa naturang lugar.
Comments