top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 HVT Sa droga arestado

BULGAR
Dec 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 20, 2022



CAMARINES NORTE – Dalawang HVT (high-value target) sa droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tugos, Paracale sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang nadakip na suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.


Ayon sa ulat, nadakip ang dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page