2 holdaper, nasakote
@Balitang Probinsiya | July 9, 2023
NUEVA ECIJA -- Dalawang holdaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sapang, Jaen sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Marlon Santos, at Noel Mabalot, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa Gapan City sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagtungo ang biktimang si Andres Reyes, 55, sa himpilan ng pulisya at ini-report na hinoldap siya at tinangay ng dalawang holdaper ang suot niyang kuwintas na nagkakahalaga ng P35,000.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga operatiba kaya nadakip ang dalawang holdaper na kapwa nakumpiskahan ng tig-isang baril, mga bala, dalawang sachets ng shabu at nabawi rin ang kuwintas ng biktima.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong robbery, 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments