top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 holdaper arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 27, 2023


ALBAY — Dalawang notoryus na holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanilang hideout sa Bgy. Bitano, Legazpi City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na Ralph at Jestoni.


Nabatid na dinakip ng mga tauhan ng pulisya sina "Ralph" at "Jestoni" sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong Robbery.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng mga suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang dalawang wanted na holdaper.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page