top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 gusali tupok

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 6, 2023



PALAWAN—Dalawang maliit na gusali ang natupok sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang mga nasunog na gusali ay pag-aari ni Venaranda Lagrosa, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa isang gusali at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay na nasunog ang isa pang katabi nitong gusali sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa nasunog na dalawang gusali.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page