2 gunrunners, timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 25, 2021
PAMPANGA—Dalawang gunrunners ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Angeles City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jerico Cradua at John Parutcha, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng baril sina Cradua at Parutcha kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nang ilabas ng dalawang suspek ang ibinebenta nilang tatlong baril ay dito na sila dinakip ng mga awtoridad.
Nakapiit na sina Cradua at Parutcha na kapwa nahaharap sa kasong 3-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments