2 gunrunner, nasakote
- BULGAR
- Aug 16, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 16, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang driver ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Old Poblacion, Escalante City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si John Mark Sotto, 34, at residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang kausap ni Sotto ang kapwa niya driver at isang helper sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Sotto.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments