2 gunrunner, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 07, 2023
COTABATO CITY -- Dalawang gunrunner ang inaresto ng pulisya sa buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights 1 sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Razul Compania at Eddie Wong, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nang mabatid ng pulisya na nagbebenta ng baril sina Compania at Wong ay agad silang nagsagawa ng buy-bust operation kaya nadakip ang dalawang suspek na nakumpiskahan ng isang armalite rifle at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.



Comments