2 ex-convict, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 29, 2023
ILOILO -- Dalawang ex-convict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bolilao, Mandurriao sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Efren Fabrigar at Rem Villaluna, kapwa nasa hustong gulang, at parehong residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng mga suspek ay dito na agad dinakip ang dalawang drug pusher.
Napag-alaman na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang mga suspek, at nang makalaya ay muling nagbenta ng shabu.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments