top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

2 estudyanteng tulak, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 15, 2023


NUEVA ECIJA -- Dalawang estudyanteng drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Don Mariano Marcos, Jaen sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya, ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 8 gramo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar at sa ngayon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page