top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

2 estudyante tiklo sa shabu at marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2022


NUEVA VIZCAYA—Dalawang estudyante ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu at marijuana kamakalawa sa Bgy. Calaocan, Bambang.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nadakip ang dalawang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa naturang lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tig-isang sachet ng shabu at marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page